tara na sa Havana
Bakit ka mahihiyang gamitin ang salita ng iba kung sakto naman sa nais mo’ng sabihin?
Walang ibang nagmamay-ari ng iyong damdamin
kundi ikaw
Natatakot ka bang matawag na alingawngaw?
Di mo ba maatim manggaya?
Masyadong limitado ang mga salita.
Di natin mailalarawan ang kaliit-liitang pagkakaiba ng ating nararamdaman
kaya pagtiyagaan mo na lang
at tanggapin mo
minsan mga salita nati’y magkakapareho.
Kaya’t kung may awit na akma sa yo
Ibirit mo!
c",)